28 NSA magpapadala ng atleta sa Vietnam SEAG
February 19, 2003 | 12:00am
Ang mga kinatawan ng 28 national sports associations (NSAs) na magpapadala ng atleta sa 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam sa Dec. 5-13 ngayong taon ay pupulungin ng Philippine Olympic Committee Technical Commission sa alas-12 ng tanghali ngayon sa Philippine Columbian sa Plaza Dilao.
Pangangasiwaan ni Steve Hontiveros at co-chairman Julian Cama-cho, tatalakayin ng TC ang paglahok ng NSAs at ang participation guidelines na inaprobahan ng POC General Assembly noong nakaraang buwan at ang request ng NSAs na isumite ang kani-kanilang requirements bilang bahagi ng kanilang preparasyon para sa Vietnam SEAG.
Kabilang sa 28 NSAs na pupulungin ay ang athletics, aquatics, archery, badminton, basketball, boxing, canoeing, cycling, fencing, football, gymnastics, judo, karatedo, rowing, sepak takraw, shooting, table tennis, taekwondo, lawn tennis, volleyball, weightlifting, wrestling, wushu, billiards, pencak silat, bodybuilding, chess at traditional boat race. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended