^

PSN Palaro

Green Archers yuko sa Red Booters

-
Pinayukod ng University of the East ang De La Salle, 3-1 noong Linggo na naglapit sa Red Booters na wakasan ang kanilang tatlong dekadang tagtuyot sa korona ng men’s football sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Dinomina ng Red Booters, tailender noong nakaraang season, ngunit gumawa ng malaking sorpresa ng maging finalists ngayong taon ang double-round eliminations sa pagposte ng kanilang limang panalo, isang talo at apat na draws, ang record na nagbigay sa kanila ng twice-to-beat advantage kontra sa defending champion University of the Philippines (UP) sa finals.

Sa kabilang dako, nahatak ng De La Salle ang kanilang laro ng University of Santo Tomas (UST) sa 0-0 draw na nagbigay rin sa kanila ng twice-to-beat advantage kontra sa UST sa kanilang tunggalian para sa women’s crown.

Binanderahan ng Lady Archers ang women’s eliminations sa kanilang 6-2-0 win-loss-draw record, habang nag-poste naman ang UST ng 5-2-1 record na naghatid sa kanila sa championship round.

Umusad ang UP, ang nagtatanggol na kampeon sa men’s division sa finals matapos na itarak ang 2-1 pagwawagi kontra sa Ateneo sa pagtiklop ng eliminations sa balwarte ng Blue Eagles sa Katipunan field noong Linggo.

Pumangalawa naman ang Maroons sa likod ng Red Booters na may 5-2-3 record.

Nakatakda ang men’s final sa alas-3 ng hapon sa Linggo (Peb. 23) sa Ateneo field, habang maghaharap ang De La Salle at UST sa ala-1 ng hapon.

Sa iba pang laro sa women’s side, tinalo ng UP ang host Ateneo, 2-0 upang maningning na isara ang kanilang kampanya sa eliminations.

ATENEO

BLUE EAGLES

DE LA SALLE

LADY ARCHERS

LINGGO

RED BOOTERS

UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

UNIVERSITY OF THE EAST

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with