Pinana ni Ortiz, ang gold medal sa womens compound individual event at sa 70-meter event.
Kasisimula pa lamang ng 20-gulang na si Ortiz, isang junior student mula sa UP Diliman, na makipag-kompetisyon nitong nakaraang pitong buwan.
Bukod kay Ortiz, binigyang karangalan din ni PSA awardee Raul Arambulo ang bansa sa pamamagitan ng kanyang impresibong performance.
Si Arambulo ay naka-bronze sa mens compound individual event at nagtala rin ito ng dalawang RP records na 659 sa 70-meters na bumura sa 615 ni Clint Sayo at 173 sa 18-arrow eliminations na dumaig sa record ni Earl Yap na 166.
Ang 173 ni Arambulo ang nakahigit sa 169 Asian mark ng Singaporean na si Mark Seong na kanyang naitala sa Hongkong noong 2001.
Nagbulsa rin ang RP mens recurve team na binubuo nina Christian Cubilla, Marvin Cordero at Arnold Roxas ng bronze medal.