^

PSN Palaro

Ortiz, bagong archery star

-
Kinilala ang newcomer na si Janina Bianca ‘Binky’ Ortiz bilang bagong archery star ng bansa matapos magbulsa ng dalawang ginto sa katatapos lamang na first Asian Grand Prix na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Pinana ni Ortiz, ang gold medal sa women’s compound individual event at sa 70-meter event.

Kasisimula pa lamang ng 20-gulang na si Ortiz, isang junior student mula sa UP Diliman, na makipag-kompetisyon nitong nakaraang pitong buwan.

Bukod kay Ortiz, binigyang karangalan din ni PSA awardee Raul Arambulo ang bansa sa pamamagitan ng kanyang impresibong performance.

Si Arambulo ay naka-bronze sa men’s compound individual event at nagtala rin ito ng dalawang RP records na 659 sa 70-meters na bumura sa 615 ni Clint Sayo at 173 sa 18-arrow eliminations na dumaig sa record ni Earl Yap na 166.

Ang 173 ni Arambulo ang nakahigit sa 169 Asian mark ng Singaporean na si Mark Seong na kanyang naitala sa Hongkong noong 2001.

Nagbulsa rin ang RP men’s recurve team na binubuo nina Christian Cubilla, Marvin Cordero at Arnold Roxas ng bronze medal.

ARNOLD ROXAS

ASIAN GRAND PRIX

CHRISTIAN CUBILLA

CLINT SAYO

EARL YAP

JANINA BIANCA

MARK SEONG

MARVIN CORDERO

ORTIZ

RAUL ARAMBULO

SI ARAMBULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with