Ang panalong ito ng Tigers na ginanap sa Nene Aguilar Gym sa Las Piñas ay ikalawa sa kanilang tune-up games habang wala namang naipanalo ang Turbo Chargers sa kanilang dalawang laro.
Si Hugnatan ang nagdeliber ng mahahalagang baskets sa huling baha-gi ng labanan upang ihatid ang Coca-Cola sa tagumpay.
Hindi naging malaking kawalan para sa Coca-Cola ang di paglalaro nina Johnny Abarrientos, Freddie Abuda at Will Antonio na pawang may mga injuries.
"I hope these tune-up games win us a championship but unfortunately it couldnt " ani Reyes. "But of course, it helped me evaluate the performances of my players before the regular season."
Sa tulong nina Fil-Americans Rob Wainright, Jeffrey Cariaso at Rudy Hatfield nagkaroon ng pagkakataong makalayo ang Tigers sa 59-48, 21 segundo na lamang ang nalalabi sa ikatlong quarter.
Ngunit nagawang ibaba ng Shell sa dalawang puntos ang kanilang agwat sa ikaapat na quarter, 59-61 bago sinimulan ni Hugnatan ang kanyang kabayanihan upang iligtas ang Tigers sa malaking kapahamakan.