Unti-unti na itong naintindihan ng kanilang mga fans matapos ang kanilang dalawang runner-up finish nitong nakaraang dalawang season.
Ngunit higit na malaking katanungan ngayon ang nais ng Alaska fans na masagot ni Cone at ng Alaska matapos i-trade si Kenneth Duremdes, ang naging haligi ng Aces.
Hindi makapaniwala ang mga fans na ipinamigay ng Alaska si Duremdes sa Sta, Lucia kapalit ng first at second round pick na ginamit para sa di kilalang si Brandon Lee Cablay.
"You may not see him as a superstar when you look at him now," ani Cone. "But he will be in few years."
Ginamit ni Cone ang no. 1 pick kay Mike Cortez, ang pinakamahusay sa draft bago kunin si Cablay bilang sixth overall.
"We feel that we can contend near the end of the conference," dagdag ni Cone. "Yes we will continue the triangle offense and will take quite some time."
Ang triangle offense ang nagbigay sa Alaska ng ilang titulo noong 1990 na kanilang naging mabisang sandata ngunit ang problema lamang ay mahirap itong matutunan.
"Right now, I feel that Coke, Red Bull, Talk N Text, Barangay Ginebra and Sta. Lucia are the teams in the upper half," patuloy ni Cone. "But we will be there, though not immediately."
Ngunit inaasahang mararamdaman ni Cone ang pagkawala ni Duremdes.
"Not having Kenneth leaves a big hole in our line-up because of all the things he can give the team," ani Cone.
At higit niya itong mararamdaman sa paghaharap ng Alaska at Sta. Lucia sa opening day sa Pebrero 23 sa Araneta Coliseum.