^

PSN Palaro

5 exhibition matches para sa RP Team

-
Dahil sa kanilang natanguang commitment sa ikatatagumpay ng national team, limang exhibition series ang isinaayos ng Philippine Basketball League para sa RP team kontra sa bisitang US selection na pangungunahan ni Brando Payton, ang 23-anyos na nakababatang kapatid ni Seattle SuperSonics All-Star guard Gary Payton.

Sa katunayan, ang orihinal na plano ni PBL Commissioner Chino Trinidad ay ang bumuo ng isang PBL selection na isasabak sa mga bisitang US squad, subalit binago niya ang naturang plano bilang pabor sa cage nationals na nangangailangan ng maraming exposure.

Si Payton ay sasamahan nina 6’4 na si Maurice Brown, 6’3 Alvin Stephenson Jr., 6’0 Gary DiGrazia, 6’5, Nathaniel Gore, 6’8 Will Levy at 6’10 Terrence Super.

Ang iba pang tatrangko sa nasabing koponan ay sina MBA veterans Chris Mendoza, Kalani Fereria, VJ Santos at ang actor na si Carlos Morales, dating manlalaro ng San Sebastian Stag na lumaro din sa Pangasinan Waves.

ALVIN STEPHENSON JR.

BRANDO PAYTON

CARLOS MORALES

CHRIS MENDOZA

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

GARY PAYTON

KALANI FERERIA

MAURICE BROWN

NATHANIEL GORE

PANGASINAN WAVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with