Overall title sa men's kuha ng UE Warriors
February 12, 2003 | 12:00am
Napanatili ng University of the East (UE) ang kanilang mens overall crown gayundin ang University of the Philippines (UP) sa womens side ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) fencing competitions na ginanap noong nakaraang linggo sa PhilSports Fencing Hall sa Pasig City.
Pinangunahan ni Rolando Canlas ang individual foil at siyang naging susi sa dominasyon ng UE sa foil team event, habang bumandera naman si Edmon Velez sa individual sabre upang dalhin ang Red Fencers sa mens overall crown, ang kanilang ikatlong sunod na korona sa ganoon ding dami ng pagdaraos ng UAAP fencing events.
Tinalo ni Canlas si Mark Atienza ng Far Eastern University, 15-5 para sa ginto sa foil event, bago ginapi ni Velez si Gian Carlo Nocum ng University of Santo Tomas, 15-12 para sa sabre title.
Nakopo naman ng UP ang kanilang womens overall title sa likod ng panalo nina Ma. Dinah Remolacio sa foil, Ma. Margarita Gamallo sa epee at Remolacio and company sa team foil.
Pumangalawa ang UST sa womens category matapos na kumubra ng tatlong ginto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended