^

PSN Palaro

Elims winalis ng San Sebastian

-
Umiskor ang San Sebastian College ng 2-1 panalo kontra defending champion Letran kahapon upang walisin ang elimination round ng 78th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.

Ginapi ni Niño Salvador si Carlito Rojo, 7-5, 6-3 sa unag singles, bago nakipagtambal kay Arvin Ruel na nanalo naman sa double kontra kina Michael Mantua at Menandro Econg, 6-0, 7-5. Ngunit bumangon si Econg nang kanya namang kupitin ang huling singles kontra kay Michael Tenoria, 8-5 upang pigilan ang Stags na mabokya ang Knights.

Naungusan ng Philippine Christian University ang San Beda, 2-1 upang pagandahin ang kanilang record sa 5-2, habang nanalo naman ang College of St. Benilde ng walang hirap sa pamamagitan ng default kontra Jose Rizal University upang kumpletuhin ang semifinal cast.

Ibinigay ni Emerson Ocampo ang 1-0 kalamangan ng Red Lions matapos na manalo ng unang singles kontra Carlo Estrella, 6-3, 6-3, ngunit nag-rally ang Dolphins sa likod ng tambalang Roel Licayan at Ricardo Solon na nagposte ng 6-3, 2-6, 6-4 panalo kontra sa duo nina Borgs Solpico at Ocampo, at nanaig si Solon kay Solpico sa iskor na 6-2, 6-1.

Sa juniors division, hiniya ng St. Benilde ang JRU, 3-0 upang manatiling walang talo makaraan ang pitong laro. Ginapi ni Irwin de Guzman si Geoffrey Calcita, 6-0, 6-1, binomba naman ng tambalang Jandrick de Castro at Ian Avila ang pareha nina Jose Wenceslao at Calcita sa iskor na 6-0, 6-1 bago niyanig ni Lawrence Magaway si Wenceslao, 8-0.

ARVIN RUEL

BORGS SOLPICO

CARLITO ROJO

CARLO ESTRELLA

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMERSON OCAMPO

GEOFFREY CALCITA

GINAPI

IAN AVILA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with