Dito napagtanto ni head coach Allan Caidic na masyadong mataas ang inaasahan ng kanilang mga taga-suporta lalo na sa impresibo nilang ipinakita sa pre-season games kontra sa San Miguel at Shell.
"Kailangang maglaro ng husto para sa mga fans at maibalik ang never-say-die attitude," ani Caidic.
At mas malamang na manumbalik nga dahil sa mas balanseng team ngayon ang Gin Kings lalo sa pagpasok ni Romel Adducul sa kanilang lineup.
" We are stabilized in almost all positions especially the frontline where we have a very deep rotation," ani Caidic.
Malaki ang magagawa ni Adducul na makakasama nina Eric Menk, Jun Limpot, Banjo Calpito at ang napipintong pagbabalik ni Alex Crisano.
Magandang rotation din ang naghihintay sa mga guards dahil sa kasalukuyan nakikipagnegosasyon si Caidic kay Aries Dimaunahan bilang ikatlong guard sa likuran ng beteranong si Bal David at Fil-Am rookie Rob Johnson.
At hindi rin pahuhuli sina Mark Caguioa at rookie sensation Sunday Salvacion na isa sa sinasabing may magandang hinaharap sa basketball kasama rin ang kamador na si Elmer Lago.
At ang tiyak na hahatak ay ang pagbabalik ng na-injured na si Menk na umaasam na maka-kabawi sa kanyang di magandang performance.
Dahil dito,tiyak na hindi na mabibigo pa at manlulumo ang mga Ginebra fans.