Espiritu, 5th sa Asya
February 10, 2003 | 12:00am
GENTING Highlands Kung ang FedEx Tour Pilipinas ay ngayon ginanap, walang duda kung sino ang mananalo, at ito ay walang iba kundi si Victor Espiritu.
Nagpamalas ang No. 1 siklista ng bansa ng kanyang mahusay na pagpedal sa Genting Highlands stage nang dumating ito ng ikawalong puwesto kasama ng walong Asians upang tumalon ng tatlong baytang mula sa ikawalo patungo sa ikalimang puwesto sa Telekom Malaysia Le Tour de Langkawi noong Sabado.
Gamit ang kanyang inferior bike na sinamahan pa ng mahusay na training para sa pinakaprestihiyosong bikefest sa Asia, tumawid ang 28-anyos na si Espiritu sa finish line ng 143.7 kilometrong akyatin sa tiyempong 4:24.55 ang nasabi ring oras na isinumite ni Lloyd Reynante.
"Ginamitan ko na lang ng experience yung Genting stage. nahirapan ako kasi hindi tayo gaanong preparado. Tiniis ko na lang ang hirap sumipa. Buti maganda ang ahon ni Lloyd (Reynante) at preparado sila," pahayag ni Espiritu kung saan ang kanyang training para sa tour ay pansamantalang natigil ng dalawang linggo sanhi ng kanyang pagkakasakit.
"Kung kumpleto lang sana ang gamit namin, sana nasa harapan kami. Maliit yung sprocket ng gulong namin, kaya nahirapan kami sa akyatan," ani pa ni Espiritu na ikinukumpara ang kanyang bisikleta sa state-of-the-art units na gamit ng Malaysians. " Pero kahit ganoon, nakainan pa rin namin sila ng malaking oras."
Napaganda ni Espiritu ang kanyang tinapos na 7th place noong nakaraang taon nagawa niyang ungusan ang mga mahuhusay na siklista sa Asia na kinabibilangan nina Nor Effandy Rosli ng Malaysia na tumapos ng ikaapat, Japanese sensation Koji Fukushima )20th at Hong Kongs Wong Kam Po (23rd).
Panglima ang 1996 rookie champion ng Marlboro Tour sa Asian field sa kanyang kabuuang oras na 30:16.42 habang kinapos ng siyam na segundo ang kanyang teammate na si Reynante upang mapasama sa top 10 rank bunga ng kanyang 30:19.46 tiyempo.
Gayunman, ang oras ni Espiritu ay mas maganda kumpara kay Wong, ang 1997 Marlboro Tour champion na nasa 20th place, habang pang-14th at 15th place naman sina Malaysians Tsen Seong Hoong at Nor Effandy Rosli, ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended