Titulo sa baseball at lawn tennis tangka ng DLSU
February 9, 2003 | 12:00am
Dalawang korona ang tangkang maisukbit ngayon ng De La Salle University sa mens baseball at mens lawn tennis na maghahatid sa Green Archers sa overall championships.
Haharapin ng Green Archers ang University of the Philippines Maroons sa Game Three ng best-of-three finals series para sa titulo ng baseball sa Rizal Memorial Stadium.
Nakatakda ang sagupaan sa baseball sa alas-12 ng tanghali, eksaktong oras kung saan sisikwatin naman ng Green Archers ang titulo sa tennis kontra sa kanilang mahigpit na karibal para sa overall title na University of Santo Tomas (UST) sa isa pang laro sa Rizal Sports Center sa Pasig.
Idaraos naman ang fencing sa PhilSports Fencing Hall sa Pasig City kung saan magsasagupa ang University of the East (UE), Far Eastern University (FEU) at ang UP na magkasosyo sa unang tatlong individual gold medals.
Naungusan ni Edward Velez ng UE si Gian Carlo Nocom ng University of Santo Tomas, 15-12 para sa mens sabre individual gold.
Labing-dalawang ginto ang nakataya sa fencing.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am