Mabuhay sina Lina at Revicon
February 8, 2003 | 12:00am
KAHIT na sabihin pang medyo mahirap ang buhay at kailangang maghigpit ng sinturon, nakakatuwa at nakakataba ng puso na malamang mayroon pang mga tao o kumpanya na handang tumulong sa ating mga atleta at bigyan ng karagdagang "push" ang Philippine sports.
Isa dito si Bert Lina na ang pagmamahal sa basketball ay hindi puwedeng tawaran. Biruin mong handa siyang gumastos upang dumiskubre ng mga matatangkad na manlalarong balang araw ay puwede nating itapat sa mga higante ng China at Korea. Itoy sa pamamagitan ng Six Foot Junior Basketball Cup na magsisimula sa Pebrero 10.
Oot tila imposibleng makahanap tayo ng mga gaya nina Yao Ming at Wang Zhizhi na lampas seven feet ang tangkad. Pero puwede namang mag-develop tayo ng mga batang makakapagbigay ng magandang laban sa mga higanteng ito.
Kasi nga, alam na natin na hindi uubra ang bara-barang paghahanda para sa mga international basketball competitions. Hindi puwede yung isang taong training lang na kagaya ng ginawa ng PBA sa mga nakaraang Asian Games.
Kailangan ang mas mahaba at intensive na paghahanda. Kung sa 2006 pa ang susunod na Asian Games, dapat ay ngayon pa lang pinaghahandaan na ito. Ganoon ang ginagawa ng mga basketball powers sa Asia, eh. Kailangang ganoon din ang gawin natin. Hindi na puwedeng umasa tayo sa "sheer talent" dahil hindi na tayo ang hari ng basketball sa ating rehiyon tulad ng dati.
Sana nga ay magtagumpay ang proyektong ito ni Lina.
Isa pang sinasaluduhan natin ay ang mga tao sa likod ng Revicon o Unilab sa susuporta naman nang todo-todo sa boxing. Kamakailan ay nagpirmahan ng sponsorship package ang Revicon at ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP).
Natural na tuwang-tuwa si ABAP president Manny Lopez dahil sa maipagpapatuloy ng kanyang grupo ang programang naglalayong mabigyan ang Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya sa Olympics. Baka nga naman puwedeng matupad ang pangarap na ito sa isang taon sa 28th Olympiad na gaganapin sa Athens, Greece.
Sang-ayon sina Unilab marketing director Alvin So, Revicon product manager Dennis Dizon at assistant Laiza Filart na puwedeng matupad ang pangarap na ito kung sama-sama ang lahat na kikilos. Kasi nga, kung walang susuporta sa programa, walang mangyayari sa mga boksingero natin. Para silang isasabong nang walang tari.
Sa ilalim ng kasunduan ay bubuhaying muli ang Go For Gold program ng ABAP. Medyo nawala kasi ito nang ilang taon. Sayang nga naman dahil magandang behikulo ito upang makadiskubre ng mga boksingero sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Gaya ng basketball program ni Lina, kailangan ding makahanap ng mga "bagong dugo" na bubuhay sa boxing. Maraming mga talents diyan sa probinsya na naghihintay lang na madiskubre, eh.
Sana yung mga ibang sports events ay makakuha din ng mga sponsors na tutulong sa kanila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest