^

PSN Palaro

Palarong Pambansa tuloy pa rin sa Lanao

-
Kahit ano ang mangyari, itutuloy pa rin ng Lanao del Norte ang kanilang pagho-host ngayong taong Palarong Pambansa sa kabila ng agam-agam sa seguridad ng bansa.

Ayon kay PSC Commissioner William ‘Butch’ Ramirez, siniguro nina Lanao del Norte governor Imelda Dimaporo at ng asawa nitong si Congressman Abdullah ‘Bobby’ Dimaporo na ang pagdaraos ng nasabing multi sports meet para sa high school at elementary students ay magiging tahimik.

"Of course, Tubod, Lanao del Norte is a very peaceful place so that is why the first Mindanao Friendship Games was a resounding success," pahayag ni Ramirez.

"But just to make sure, the Dimaporo’s (Imelda and Abdullah) are coordinating with the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police to make sure that everyone’s stay in Tubod will be peaceful," dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Ramirez na plano ni Dimaporo na palakasin ang visibility ng mga police at armed forces, karagdagang checkpoint sa mga kalsada at highways patungo sa Tubod.

Aabot sa 15 sports disciplines at dalawang bago ang nasa kalendaryo ng meet na gaganapin sa Mindanao Civic Center.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES AND THE PHILIPPINE NATIONAL POLICE

COMMISSIONER WILLIAM

CONGRESSMAN ABDULLAH

DIMAPORO

IMELDA AND ABDULLAH

IMELDA DIMAPORO

LANAO

MINDANAO CIVIC CENTER

NORTE

RAMIREZ

TUBOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with