^

PSN Palaro

Asiad bronze medalist dinaig ng 14 anyos

-
Umiskor ng major reversal ang teenager na si Antoinette Rivero ng St. Paul’s Pasig sa katatapos na Petron CPJ (Carlos Palanca Jr.) taek-wondo championships nang kanyang igupo ang Asian Games bronze medalist Veronica Domingo ng FEU sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagpatama ang 14-anyos at 5-foot-7 na si Rivero ng malakas na sipa upang talunin si Domingo sa women’s featherweight/light welterweight division.

Taliwas naman ito sa mga nalalabing kasalukuyang national champions sa pangunguna ng Sydney Olympic veterans na sina Roberto Cruz, Donald Geisler, Eva Marie Ditan at Jasmin Strachan na napanatili ang kani-kanilang korona.

Namayani si Cruz kay Angelito Ong, pinabagsak ni Geisler si Ernesto Juan Mendoza II sa fin at welter classes, ayon sa pagkakasunod, habang nanaig naman si Ditan kay Kathleen Alora at sinibak ni Strachan si Christine Calulo sa women’s fin at bantam levels, ayon sa pagka-kasunod.

Ang iba pang nakabilang sa men’s national pool ay sina fly Tshomlee Go, bantam Manuel Rivero Jr., Jeferthom Go, Alexander Briones, middle Dindo Simpao at heavyweight Dax Alberto Morfe na nagtagumpay laban kina Efren Cudal, Romel Espiritu, Rodolfo Valenzuela Jr., Niño Balatao, Willie Ngo at Michael Alejandrino, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang nag-qualified sa women’s division ay sina flyweight Daleen Cordero at middle/heavyweight Margarita Bonifacio, na nanalo kontra Loraine Lorelie Catalan at Ann Margaret Boyle, ayon sa pagkakasunod.

ALEXANDER BRIONES

ANGELITO ONG

ANN MARGARET BOYLE

ANTOINETTE RIVERO

ASIAN GAMES

CARLOS PALANCA JR.

CHRISTINE CALULO

DALEEN CORDERO

DAX ALBERTO MORFE

DINDO SIMPAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with