^

PSN Palaro

Pinoy riders nasa kontensiyon pa rin

-
KUALA TERENGGANU – Muli na namang gumamit ang Philippines ng panibagong taktika upang ireserba ang kanilang lakas para sa Genting Highlands at sa ikaapat na sunod na araw, nananatiling nasa kontensiyon ang bansa sa pagtatapos ng 5th stage ng Le Tour de Langkawi kahapon.

Ang lahat maliban lamang sa dalawa mula sa 129-rider field ay nagsumite ng magkakaparehong tiyempo na 4:01.37 na pinangunahan ng lap winner na si Graeme Brown ng Ceramiche Panaria sa tinahak na patag na 179.1 kilometrong karera mula Kota Bharu patungo sa Peninsula.

Dumating si Sebastien Mattoza ng Belgiums sa finish line may 24 segundong layo sa peloton, habang ang Telekom All-Stars na si Simone Mori ng Italy, ang Gamuda Eagle Tour champion ay dumating naman na may isang minuto at 44 segunod ang layo sa mga naunang riders.

Sa pangunguna ng dating Marlboro Tour champion Victor Espiritu, ang Philippines (47:50.59) ay nanatiling nasa ikalimang puwesto sa Asian stage sa likod ng bagitong Iran (47:47.40), Telekom All-Stars (47:48.16), Japan (47:48.17) at host Malaysia (47:50.16).

Ngunit sinabi ni Espiritu, ang no. 1 rider ng seven-man RP team na suportado ng Philippine Sports Commission na hindi pa panahon upang ibu-hos ang kanyang lakas.

Pinatutungkulan ng 28-anyos na si Espiritu ang Genting Highlands stage, ang ika-10th araw ng tour’s killer 9th at penultimate lap na inaasahang isa sa pinakamahirap na akyatin sa world of professional cycling.

Magsisimula ngayon ang lung-busting lap--ang pinakamahaba sa tour na 196kms na magsisimula sa Jalan Bukit Ubi sa Kuantan at magwawakas sa bentong. Mga 80 kms north ng Kuala Lumpur.

CERAMICHE PANARIA

ESPIRITU

GAMUDA EAGLE TOUR

GENTING HIGHLANDS

GRAEME BROWN

JALAN BUKIT UBI

KOTA BHARU

KUALA LUMPUR

LE TOUR

TELEKOM ALL-STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with