Batang negosyante galit sa player

Nagmumura ang isang batang businessman kapag naririnig niya ang pangalan ng isang dating sikat na basketball player na naglalaro pa rin ngayon sa PBA pero nanggaling na rin sa MBA.

Ang nilalaruan niyang team noon sa PBA ay siyang pinakasikat noon sa PBA.

Binigyan daw kasi nila ng malaking pera ang player na ito para mag-endorse sana ng kanilang produkto na mineral water. Kabilang sa package na hiningi ni player eh ang pagpapagawa ng t-shirts at caps na gusto raw niya eh siya ang magpapagawa dahil may contact siya na gumagawa ng mga ganitong advertising materials.

Tuwang-tuwa naman yung may-ari ng mineral water business dahil mas mapapadali nga naman yung advertising campaign nila.

Nalugi na rin si businessman sa kanyang negosyong ito at muntik pa nga itong magsara. In the end, binili rin ang negosyong ito ng isang mayamang Chinese businessman na dati ring may-ari ng isang PBA at PBL team.

Ngayon, kapag naririnig ni businessman ang pangalan ni player, talagang minumura niya ito.

"Put..ng i.a niya, kapag ininterview siya sa tv, akala mo kung sino siyang mabait. Eh sa tutoo lang, napaka-tarantado niyang player na yan. Kaya nalaos ‘yan, kaya nagka-injury-injury siya eh. Kita mo, dati sikat ‘yan at hinahabol ng mga fans niya. Ngayon, wala nang pumapansin sa kanya," sabi ni businessman.
* * *
Naging napaka-memorable ng isang surprise tribute party na ibinigay para kay Jojo Lastimosa.

Ang kanyang asawa na si Butchik ang nag-organisa nito at ito’y ginananap sa Columbus Room ng Discovery Suites.

Dahil nag-retire na si Jolas sa PBA at dahil ang PBA eh hindi naman nagbibigay ng tribute sa mga players nilang nagretiro na, minabuti ni Butchik na siya na ang magbigay ng parang isang farewell party sa kanyang asawa.

Halos mapaiyak si Jolas sa sobrang tuwa nung makita niya ang mga kaibigan niya na siyempre pa eh halos galing lahat sa Alaska team. Pati ang buo niyang pamilya ay nanduon para maki-celebrate sa kanya.

Maraming basketball fans ang mami-miss si Jolas sa PBA dahil nag-retire na nga siya sa paglalaro, pero nandiyan pa rin naman siya sa Alaska coaching staff kaya hindi rin naman siya mawawala.
* * *
Officially ay nag-leave of absence na muna mula sa PBL ang Shark Energy Drink. Last conference pa sana ito pero dumating ang Cheese Balls kaya na-save ang kanilang pagkaka-disband.

Kaya lang, nagtatalo naman yung team at nangulelat pa kaya medyo nadismaya rin yung may-ari ng Cheese Balls.

Sa darating na conference, wala nang Shark team. Sayang naman dahil maraming magagaling na players sa team na ito.

For a while, they tried to save the team dahil di nga ba’t nagpalit pa sila ng coach at kinuha pa sina Philip Cesar at Atoy Co bilang head coaches. Pero wala na ring ngang nangyari sa team.

Sa ngayon, di pa malinaw ang status ng John O team although may mga tsismis na ring kumalat na baka mag-leave of absence din ito.

Pero nandiyan naman ang balitang maglalagay ng team ang San Miguel Beer na isa sa mga orihinal na members ng PBL na noo’y PABL pa.

Kahit na ganyang may mga teams na nagdi-disband, patuloy namang nabubuhay ang PBL dahil kahit may nawawala, lagi namang may dumarating na bago.

The PBL has always survived the tests of times.

Show comments