At dahil sa walang PSC official na isinama para sa POC groups selection process para sa Vietnam meet, ayon kay PSC Chairman Eric Buhain na ito na ang tamang oras para bumuo ng Oversight Committee na siyang mamahala para masiguro ang balanced at accurate selection ng mga atleta na siyang kakatawan sa Philippine sa biennial meet.
"We have visitorial and supervisorial powers over the National Sports Association as guaranteed under Republic Act 6847, the law that created the PSC," ani Buhain. "In lieu of this, we are also accountable for every centavo that will be spent for them for their participation in Vietnam. We will not meddle with the affairs of the PSC officials from running the Asian Games affairs leading to the 1998 Bangkok joust."
Tanging dalawang observer slot lamang ang ibinigay sa PSC ng POC-formed technical commission, na ang desisyon na ito ni POC president Celso Dayrit ayon sa kanya ay kanyang ibinase makaraan ang pamamahala ni dating POC president Cristy Ramos-Jalasco na hindi isinama ang mga PSC officials para pangasiwaan ang Asian Games affairs noong 1998 Bangkok joust.
Ang PSC board ay binubuo nina Buhain at ng kanyang apat na commissioners na sina William Ramirez, Michael Barredo, Leon Montemayor at Ambrosio De Luna.
Inaasahang gagastos ang PSC ng hindi bababa sa P100 milyon sa kanilang preparasyon, training at international exposures ng mga atleta na isasabak sa SEA Games at mahigit sa P35 milyon para sa aktuwal na partisipasyon.