Malawakang habulan
February 2, 2003 | 12:00am
Isang milyong pares mahigit ang ibinenta ng T-Mac na sapatos ng Adidas noong 2002. Ayon kay David Bond, pinuno ng Basketball at US sports para sa higanteng korporasyon, nakikita na nilang mahahabol nila ang Nike sa mga susunod na taon.
"We project that, based on current increases, we will overtake Nike worldwide by 2006," pahayag ni Bond sa Pilipino Star Ngayon.
Isipin na lang natin na $100 ang isang pares ng minimithing sapatos na nabanggit. Mas mahal pa ang mga Air Jordan at iba pang premium shoes, pero kinakagat pa rin ng tao. Ibig sabihin nito'y bilyun-bilyong dolyar ang kinikita ng mga gumagawa ng athletic shoes sa buong mundo. At nailathala na rin kuing gaano kaliit ang tutoong puhunan ng karamihan dito.
Ayon din kay Bond, na dating nagtrabaho sa Nike, mahigit kalahati sa merkado ay hawak ng Nike, at medyo malaki pa ang hahabulin ng Adidas, lalo na sa basketbol.
"Nike's share is somewhere around 49 to 52 percent," paliwanag niya. "Adidas is about 22 percent. But it's really hard to give definite numbers, because their figures include the re-issued classic shoes like Air Max and old Jordans. In our case, those shoes are in different categories, usually the Originals line."
Ayon kay Bond, napakalaki ng naitulong ni Tracy McGrady upang ilapit ang Adidas sa karibal nito. Mabilis aniyang sumusunod ang T-Mac 2 sa mga yabag ng panganay nitong kapatid.
"We've made improvements in the T-Mac 2 that make it even more breathable, and a more snug fit. It really feels like a personalized shoe," lahad naman ni Natalie Candrian, footwear designer, na siyang lumikha sa dalawang T-Mac. "It's exciting."
Isa't kalahating taon ang pagplano sa mga bagong sapatos, dala ng pagbabago sa disenyo at laki ng nakatayang salapi. Isa lang naman ang hinahanap ng mga bumibili, sapatos na di kaagad papalitan sa merkado, para masulit ang ibinayad natin dito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended