^

PSN Palaro

Letran nakalima na: CSB malinis

-
Sumulong ang defending men’s champion Letran sa kanilang ikalimang sunod na panalo habang nanatiling walang talo ang College of St. Benilde matapos ang limang laro sa juniors division ng 78th National Collegiate Athletics Association (NCAA) tennis tournament noong nakaraang Huwebes sa Rizal Memorial Tennis Center.

Pinasadsad ng Knights ang Mapua Institute of Technology, 3-0 matapos igupo ni Carlito Rojo si Raffy Santiago, 1-6, 6-4, 7-5 gayundin ang tambalan nina Michael Mantua at Menandro Econg na nanalo kina Flint Almiron at Paul Vincent Cruz, 6-1, 6-4; habang namayani naman si Econg laban kay Cruz, 8-3.

Napanatili naman ng San Sebastian College ang solong ikalawang puwesto matapos itala ang ikaapat na sunod na panalo makaraang igupo ang Philippine Christian University, 3-0.

Pinabagsak ni Nino Salvador si Roel Licayan, 6-0, 6-0, tinalo nina Arvin Ruel at Salvador sina Carlo Estrella at Ricardo Solon, 7-6, 6-2 habang iginupo naman ni Michael Tenorio si Solon, 8-4.

Blinangko rin ng St. Benilde ang San Beda, 3-0 upang itabla ang kanilang record sa 3-2 sa ikatlong puwesto.

Samantala, nanaig naman ng St. Benilde Baby Blazers sa San Beda sa 3-0 decision; sumulong naman ang Baby Dolphins sa kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos pasadsarin ang Staglets, 3-0 habang umangat naman ang Squires sa 3-2 matapos hatakin ang 2-1 panalo kontra sa Red Robins.

vuukle comment

ARVIN RUEL

BABY DOLPHINS

CARLITO ROJO

CARLO ESTRELLA

COLLEGE OF ST. BENILDE

FLINT ALMIRON

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MENANDRO ECONG

MICHAEL MANTUA

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with