Nueva Ecija vs Bacolod para sa titulo
January 31, 2003 | 12:00am
Talavera, Nueva Ecija Pinadapa ng Nueva Ecija ang Makati kahapon at pinataob naman ng Bacolod ang Cebu para isaayos ang kanilang titular showdown sa Philippine All High School National Baseball tournament sa Talavera National High School ground dito.
Tinalo ng Nueva Ecija ang Makati 18-5 habang iginupo ng Bacolod ang Cebu, 20-4.
Bagamat sa unang inning ay kabado at nalamangan ng taga-Makati 2-0, agad na nakabalikwas ang Nueva Ecija, na suportado ng kanilang mga kababayan na kinabibilangan ni Governor Tomas Joson III at Talavera mayor Lito Fausto, sa ikalawang inning at umukit ng anim na runs para makuha ang bentahe.
Bagamat nagbigay lamang ng magkahiwalay na hits ang Novo Ecijano pitcher na si Joselito Bermosa ngunit hindi ito napagsamantalahan ng Makati para maka-iskor ang Nueva Ecija ng tatlong run.
Samantala, nagpamalas ng kahusayan sa pag-pitch sina Francis Fuentes at Remer Casas na pumalit sa una nilang pitcher na si Carlito Valencia ng magbigay ito ng limang runs sa Bacolod sa kabuuang 20 runs upang isaayos ang kanilang pakikipagharap sa Nueva Ecija sa kampeonatong nakatakdang ngayong ala-una ng hapon.
Bago rito, maglalaban naman ang Cebu at Makati para naman sa konsolasyong ikatlong puwesto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended