^

PSN Palaro

Altamirano kumpiyansa sa kanyang team

-
Nitong mga nagdaang araw, lubos ang kaligayahang nadarama ni Eric Altamirano at nakakausap siya na buo ang kumpiyansa matapos ang naganap na PBA Draft may ilang linggo na ang nakakalipas at sa naturang pre-season, bukod sa mga dati na niyang tropa mayroon rin siyang mga bagong deals na ikinamada.

Marami pang mga bagay na maaaring mangyari para sa nalalabing off-season at naniniwala si Altamirano na ang Purefoods ay may ilalabas pa kumpara sa dating koponan.

"Excited kami sa bagong team that we have," ani Altamirano. "The bench has gotten deeper with the acquisitions that we made in the Draft and through free agent dealings."

"Yes despite the uncertainty of Andy Seigle’s health, I think we are a pretty rounded team."

Si Seigle ay hindi pa nakakasama sa official na ensayo ng Purefoods kung saan siya ay sumasailalim sa isang comprehensive rehabilitation program na ibinigay ng koponan upang itama ang kan-yang back injury na naging mitsa ng halos di niya paglalaro sa PBA noong nakaraang season.

Subalit isang sugal kay Altamirano at nakahanda siyang magbigay, lalo na nang matapos niyang makita ang kanyang Draft Pick na si Billy Mamaril, anak ng dating pro na si Romulo, ang kanyang galaw.

"I like what I’ve seen, so far," ani Altamirano. "he’s a good rebounder a good defensive player and a guy with a good attitude. He’s the quick big man we have been looking for."

Sa katunayan, nakahanda si Altamirano na bigyan si Mamaril ng break na kanyang kinakailangang, kabilang ang pinch-hit job kung hindi pa ubra si Seigle sa pagbubukas ng seasons.

"Our condition with Andy is that he will not return to the team until he feel zero pain on his back. It’s been nagging him the past years that’s why we did not give him a time frame to recover. We’re willing to take that gamble."

"We will give Billy (Mamaril) that chance," dagdag pa ni Altamirano.

Bukod kay Mamaril, kinuha rin ng Purefoods sina Gilbert Demape at Rodney Santos mula sa free agent market upang makatulong sa four-time MVP na si Alvin Patrimonio.

ALTAMIRANO

ALVIN PATRIMONIO

ANDY SEIGLE

BILLY MAMARIL

DRAFT PICK

ERIC ALTAMIRANO

GILBERT DEMAPE

MAMARIL

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with