7 Pinoy pugs sasabak sa Olympic-Asia qualifying
January 29, 2003 | 12:00am
Pitong boksingero ang isasabak ng Amateur Boxing Association of the Philippines para sa Olympic Asian qualifying tournament na gagnapin dito sa bansa.
Ito ang ipinahayag kahapon ni ABAP president Manny Lopez, ang bagong secretary-general ng Federation of Asian Amateur Boxing (FAAB), bilang isa sa panauhin sa PSA forum na lingguhang ginaga-nap sa Holiday Inn kahapon.
Ang qualifying tournament na ito ay una sa tatlong yugtong idaraos sa 2004 na magsisilbing basehan ng kakatawan ng Asya sa Olim-piyada na gaganapin sa Athens, Greece sa susunod na taon.
Sa kasalukuyan, may 36 na miyembro ng national boxing team at mula rito ay pipiliin ang pitong boksingero base sa kanilang mga performance sa ibat ibang torneong nakatakdang lahukan ng mga ito.
Itinakda ang torneo na magsisilbing Mayors Cup sa 2004 sa Enero 10-18 gayunpaman ay hindi pa natutukoy ang venue.
Susunod namang magho-host ang Shanghai, China sa Marso habang ang Pakistan, Thailand at Korea ang pinagpipilian para mag-host ng third leg.
Bukod sa qualifying tournament na ito, pagkakaabalahan din ng ABAP sa taong ito ang tatlo pang national tournaments kung saan inaasahan ni Lopez na makakatuklas ng mga bagong talento.
Nakalinya ang National Open Championships, National Youth Championships at National Open finals championships.
Ang National Open eliminations ay gaganapin sa Puerto Princesa, Palawan sa Abril 6-12. Ang National Youth ay sa Bohol sa Oktubre at ang National Finals ay sa North Cotabato na pansamantalang nakatakda sa Nobyembre.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am