FedEx sadsad sa Purefoods

Nagpakita ng lakas ang Purefoods TJ Hotdogs nang kanilang pa-sadsarin ang FedEx Express, 92-79 sa kanilang 2003 PBA pre-season exhibition game kahapon sa Rodriguez Sports Center Marikina City.

Pinangunahan ni Rodney Santos at Rey Evangelista ang TJ Hotdogs sa paghakot ng 15 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod.

Tumapos naman ng 14-puntos si Vergel Meneses para sa FedEx ngunit siya lamang ang nakatapos ng double digit para sa kanyang koponan.

Nasilayan ang rookie na si John Billy Mamaril ngunit tumapos lamang ito ng tatlong puntos.

Magpapatuloy ang pre-season exhibition games sa Biyernes tampok ang dalawang laro sa magkahiwalay na venue.

Maglalaban ang Talk ‘N Text at Alaska sa De La Salle gym sa Taft Avenue habang ang Sta. Lucia Realty at Purefoods naman ang magsasalpukan sa FEU gym.

Show comments