Game One: Welcoat kontra Dazz
January 23, 2003 | 12:00am
Bagamat di na baguhan sa championship series, inaasahang manini-bago pa rin sina coach Leo Austria at Junel Baculi dahil sa kanilang bagong koponang bitbit sa finals ng PBL Challenge Cup na magsisimula ngayon.
Magbubukas ngayon ang best-of-five titular showdown ng Welcoat Paint Masters at Dazz Greasebusters sa Quezon Convention Center sa Lucena City.
Magsisimula ang giyera sa alas-5:15 ng hapon pagkatapos ng sagupaang Blu Sun Power at LBC-Batangas na magsasalpukan naman sa best-of-three mini series para sa konsolasyong third place.
Sasagupain ngayon ni Baculi ang Welcoat, ang koponang binigyan nito ng pitong titulo hawak ang Dazz, ang team na nagbigay sa kanya ng coaching break.
Ang Welcoat na naging suking kalaban ni Austria, dating coach ng Shark, ang siya namang magmamando nito para sa titulo.
Kung ipinagmamalaki ng Welcoat sina Romel Adducul at Eddie Laure, tatapatan naman ito nina John Ferriols at Allan Salangsang para sa Dazz.
Kung may Ronald Tubid, Ariel Capus at Paul Artadi ang Paint masters, mayroon namang Cyrus Baguio, Peter June Simon at Eugene Tan na masasandalan ang Dazz.
Naisaayos ng Welcoat at Dazz ang kanilang titular showdown nang kanilang pasadsarin ang LBC-Batangas at Blu Detergent ayon sa pagkakasunod sa crossover semifinals noong Sabado.
Sinandalan ng Wel-coat ang three-point shooting ni Capus upang pasadsarin ang Batangas Blades, 84-65 sa unang laro habang nagbida naman si Ferriols upang ihatid ang Dazz sa 73-65 panalo kontra sa Blu Sun Power.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am