^

PSN Palaro

Magsanoc bahagi pa rin ng Purefoods

-
Iniretiro na rin ng Purefoods ang kanilang point guard na si Ronnie Magsanoc at makakasama na ito ni Altamirano sa coaching staff.

Ang 36 anyos na si Magsanoc ay kabilang sa ‘Batch 88’ ng mga rookie players na kinabibilangan nina Jojo Lastimosa, Jerry Codiñera at Glen Capacio.

"At least I’m happy now and contented. Maganda na itong exit ko. Nagpapasalamat ako sa PBA Press Corps. dahil for the last time sa kanila nanggaling ang award ko bilang "Comeback Player of the Year," pahayag ni Magsanoc na tinaguriang "Point Laureate" at naging kilalang katambal ni Benjie Paras noong rookie days niya sa Shell.

"Masaya din ako dahil binigyan ako ni coach Eric (Altamirano) ng pagkakataon na makasama sa coaching staff ng Hotdogs.

Tatlo pang rookies ang nakabawas sa unemployment rate sa PBA matapos pumirma ng kontrata sina Billy Mamaril, Marlon Legaspi at Arnold Calo.

Nagkasundo na sina Mamaril, ang ikaanim na pick overall at ang Purefoods sa tatlong taong kontrata ngunit hindi ibinunyag ang halaga nito.

Ayon sa isang source, ang anak ng dating Ginebra slotman na si Romy Mamaril, ay pumirma ng kontrata sa halagang sa P7.8 milyon sa tatlong taon.

"We’re just glad to finally sign Billy. Right now, we’re just renegotiating the contracts of Boyet Fernandez and Richard Yee. After that, we’re pretty much set for the season," ani coach Eric Altamirano na tumangging magkomento sa kontrata ni Mamaril.

Pinapirma na rin ng SMBeer ang kanilang ikawalong pick na si Legaspi ng dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng P4.2 milyon at isang taon naman para kay Arnold Calo.

Si Legaspi ay tatanggap ng maximum salary para sa rookies na P150,000 sa kanyang unang taon at P220,000 sa kanyang ikalawang taon.

vuukle comment

ALTAMIRANO

ARNOLD CALO

BENJIE PARAS

BILLY MAMARIL

BOYET FERNANDEZ AND RICHARD YEE

COMEBACK PLAYER OF THE YEAR

ERIC ALTAMIRANO

GLEN CAPACIO

JERRY CODI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with