Ito ang 80% na pagbaba ng sahod ni Ejercito at bukod pa rito ay hindi pa tiyak kung matatapos nito ang 2003 season ng Philippine Basketball Association na magbubukas sa Pebrero 23.
Itoy dahil ang kontrata ni Ejercito na pinakawalan ng Sta. Lucia Realty sa San Miguel ay isang kumperensiya lamang.
Na-puwersa ang Sta. Lucia na pakawalan si Ejercito, ang isa sa pinakamahusay na backcourt men ng liga, matapos makuha ng Realtors si Kenneth Duremdes na may suweldong P500,000 kada-buwan.
Bukod kay Ejercito ay may lima pang players na na-cut sa roster ng Sta. Lucia. Itoy sina Noynoy Falcasantos, Richard del Rosario, Michael Orquillas, Omanzie Rodriguez at Marvin Ortiguerra.
Si Rodriguez at Ortiguerra ay lumipat na sa FedEx habang sina Falcasantos, del Rosario at Orquillas ay nasa limbo pa.
Sinubukan ni Ejercito na makalaro sa FedEx at sa Talk N Text ngunit parehong puno na ang line-up ng dalawang koponang ito.
Sa San Miguel, pupunan ni Ejercito ang nabakanteng puwesto ni Dwight Lago na ni-release ng Beermen matapos nitong tanggihan ang mababang suweldo.
Inaasahang makikihati ng playing time si Ejercito kay Dondon Hontiveros sa off-guard spot sa pagkawala ni Danny Seigle na nagrerekober pa sa Achilles heel surgery na naging dahilan para di ito makalaro sa Philippine Team na sumabak sa Busan Asian Games noong nakaraang taon.
Kung maganda ang magiging performance ni Ejercito sa All-Filipino Cup ay saka pa lamang ie-extend ng San Miguel ang kanyang kontrata. (Ulat ni AC Zaldivar)