^

PSN Palaro

GMA mamamahagi ng financial assistance

-
Sa wakas, matutupad na ng mga Pilipinong boksingero na mayroon ng kapansanan ang kanilang inaasam-asam na makatanggap ng financial assistance sa Jan. 31 sa Games and Amusements Board’s main office sa second floor ng Legaspi Towers 200, sa may Paseo de Roxas sa Makati City.

Inimbitahan ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang siyang manguna sa pamamahagi ng mga pondo na nakatakda sa alas-4 ng hapon.

Ang Pangulong Arroyo ay aasistihan nina GAB chairman Eduardo Villanueva na siyang pinuno ng Disabled Filipino Boxers Trust Fund at dalawang miyembro ng Board of Trustees-Philippine Boxing Association president Gov. Raul Daza at Philippine Sportwriters Asosciation president Roberto Cuevas.

"It’s not much, but the (monetary) support will definitely help alleviate the plight of former boxers," wika ni Villanueva.

Itinatag ang Disabled Filipino Boxers Trust Fund sa bisa ng R.A. No. 1373 na nagbibigay awtorisasyon sa Philippine Sportswriters Association na magsagawa ng isang benefit boxing show kada taon na ang kikitain ay mapupunta sa mga may kapansanang boxers.

ANG PANGULONG ARROYO

BOARD OF TRUSTEES-PHILIPPINE BOXING ASSOCIATION

DISABLED FILIPINO BOXERS TRUST FUND

EDUARDO VILLANUEVA

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

LEGASPI TOWERS

MAKATI CITY

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTWRITERS ASOSCIATION

RAUL DAZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with