Umaatikabong bakbakan sa semis ng PBL
January 18, 2003 | 12:00am
Bago pumalaot sina Romel Adducul at Eddie Laure sa Philippine Basketball Association, isang misyon para sa Welcoat Paint Masters ang nais nilang maisakatuparan.
Ito ay muling mabigyan ng titulo ang Paint Masters na magsisilbing magandang pabaon para sa dalawang PBA rookies na nakatakdang magpasiklab sa pro-league.
Ngayon ang simula ng mabigat na trabaho para kina Adducul 2nd top pick at third pick na si Laure sa pagbubukas ngayon ng semifinal round ng Philippine Basketball League Challenge Cup.
Nakatakdang sagupain ng Paint Masters ang bigating LBC-Batangas sa alas-2:00 ng hapon sa pambungad na laban sa Pasig Sports Center.
May taglay na bentaheng twice-to-beat ang Welcoat kayat inaasahang malaking tulong ito para sa kampanya nina Adducul at Laure.
Tulad ng Paint Masters, hawak din ng Dazz ang twice-to-beat advantage sa kanilang pakikipagharap sa Blu Sun Power sa dakong alas-4:00 ng hapon.
Dahil dito, parehong isang panalo lamang ang kailangan ng Paint Masters at Greesebusters upang maisaayos ang kanilang showdown sa finals na paglalabanan sa best-of-five series.
Kailangan namang manalo ng LBC-Batangas at Blu ng dalawang beses para makapasok sa finals.
Nakakuha ng twice-to-beat ang Welcoat makaraang magtapos bilang no. 1 sa Group A taglay ang 9-2 record pagka-tapos ng eliminations habang nakuha naman ng Dazz ang naturang bentahe makaraang talunin ang Blu sa kanilang do-or-die match, 85-80 matapos magtabla sa 8-4 record.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am