P18-M para kay Cone
January 18, 2003 | 12:00am
Singgaling kaya ni Mike Cortez ang kanyang kapwa Fil-Am na si Brandon Lee Cablay? May asim pa kaya si coach Tim Cone?
Ito marahil ang palagay ng Aces matapos papirmahin ang kanilang fifth pick na si Cablay at ang kanilang resident coach na si Cone.
Nananatiling may tiwala ang Alaska kay Cone na nagbigay sa Aces ng siyam na titulo kabilang ang Grand Slam noong 1996 matapos itong papirmahin ng panibagong tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng P18 million.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, hindi bababa sa P400,000 at di tataas sa P500,000 ang sasahurin ni Cone kada buwan.
Ito’y nangangahulugang ang kontrata ni Cone ay nagkakahalaga ng di bababa sa P14.4 milyon at posibleng tataas ng P16 milyon.
Binigyan naman si Cablay ng Alaska ng parehong kontrata na pinirmahan ng top pick na si Cortez.
Nagkasundo na kahapon ang 6’0 na si Cablay, laking Hawaii, at ang Alaska Aces matapos lagdaan ng Vanguard University product ang tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng P8.7 milyon.
Tulad ni Cortez, si Cablay ay sasahod ng P150,000 sa unang taon, ang pinakamataas na sasahurin ng rookie player, P215,000 sa kanyang ikalawang taon at P335,500 sa kanyang huling taon.
Sa iba pang balita, nakipagkasundo na rin ang iba pang rookies na sina Marlon Legaspi, Arnold Calo, Reynell Hugnatan at Billy Mamaril sa mga koponang humugot sa kanila sa draft.
Nakatakdang pirmahan nina eight pick Legaspi at 18th pick Calo ang kanilang kontrata sa San Miguel anumang araw sa susunod na linggo.
Pumayag naman si Mamaril, ikaanim na pick sa kanyang tatlong taong kontrata sa Purefoods habang nakipagkasundo na rin ang ninth pick na si Hugnatan sa TJ Hotdogs. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended