Isang liham mula sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa PSC na may petsa Enero 3 at pirmado ni Executive Secretary Alberto Romulo, ang nag-uutos na papalitan na sa puwesto si Carrion ng isang abogado sa katauhan ni Ambrosio De Luna, isang corporate lawyer ng Fil Estate at in-charge ng mga gold tournament ng malaking kumpanya ng land developer.
Dahil sa pagkakasibak, hindi na isinama pa ni PSC Chairman Eric Bu-hain si Carrion sa ginawa nitong year-end report kamakalawa.
Matatandaan na si Carrion ay nasangkot sa ilang kontrobersiyal ng mga ma-anomalyang transaksiyon sa PSC at paglabag sa batas ng ahensiya sa pagkuha ng mga hindi kuwalipikadong tauhan na naging daan ng pagkakaroon ng di pagkakaunawaan ng bagong upong PSC chairman na si Buhain.
Si Carrion, dating presidente ng Philippine International Competitive Aerobics Federation at matalik na kaibigan at kaklase ng Pangulong Arroyo, ang isa sa nasam-polan sa ginagawang pagbalasa na Pangulo sa kanyang mga gabinete.
Si Carrion ay nanungkulan sa PSC noong 2001 matapos na palitan ang nagbitiw ring si Amparo Weena Lim matapos na mawala sa puwesto ang dating Pangulong Joseph Estrada.
Si De Luna ay makakasama na ng mga commissioners na sina Mike Montemayor, William Butch Ramirez at Mike Barredo.
Nang tanungin si Buhain hinggil sa pagkakasibak kay Carrion, tu-manggi itong magbigay ng pahayag.