Kung hindi makakalaro, mag-referee
January 9, 2003 | 12:00am
Ipinag-utos kahapon ni Commissioner Noli Eala sa kanyang technical committee na maghanap ng mga posibleng referees mula sa mga players na mawawalan ng trabaho sa pagpasok ng 2003 season ng Philippine Basketball Association.
May 120 players, 62-draft applicants at humigit kumulang 60 na free-agents ang naghahangad na makalaro sa PBA ngunit ilan lamang sa mga ito ang mabibigyan ng trabaho ng 10 teams.
Dahil dito, nakaisip ng paraan si Eala para mabigyan ng pagkakakitaan ang mga players na di makakapaglaro.
Ito ay ang pagiging referee.
"Those were my marching orders to the technical committee. I believe these players will make good referees because theyre in good shape, they know the intricacies of the game and there is that inherent respect among their peers. Hindi sila basta babastusin ng kapwa players nila," ani Eala.
Dahil punumpuno ng talento ang draft roster at free agent markets, sinabi ni Eala na maaari pang bumuo ng isa pang kumpetitibong koponan ngunit masyado nang huli para sa expansion team dahil magbubukas ang PBA 2003 season sa Pebrero.
Ipinag-utos ni Eala sa kanyang technical committee na rebisahin ang listahan ng mga players na mawawalan ng trabaho at kumbinsihin itong sumanib sa referees aca-demy para maging re-feree.
Inaasahang makakatulong sa pagbabago ng liga ang mga players na magiging referee tulad ng nangyari kay Tito Varela, na isa nang vice-mayor sa Caloocan, na mula sa pagiging player ay naging referee. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended