^

PSN Palaro

Hong Kong ginulpi ng Philippines

-
Hong Kong – Hiniya ng Philippines ang Hong Kong, 13-2 sa third Zhujiang Cup International Invitational Baseball Tournament.

Tinapos ng Philippines, sariwa pa mula sa kanilang paglahok sa Asian baseball competition sa Busan, Korea ang laro sa five inning sa pamamagitan ng 10 run margin rule.

Binuksan ni Reuben Angeles ang kampanya ng RP nine sa kanyang single na sinundan ng triple ni Cris Jimenez na nagdala kay Angeles sa home para sa unang run.

At sa second, ipinamalas ng Pinoy ang kanilang tikas nang kumana ng tatlong runs mula sa walk ni Empacis, na sinundan ng double ni Angeles at single naman kay Jimenez na nagdala kay Empacis at Angeles sa home.

Lalo pang inilubog ng RP boys ang Hong Kong nang umiskor si Jimenez mula sa double ni Andoy Velasquez. At sa third inning, muling humataw ang Philippines ng tatlo pang runs sa pamamagitan ng walk ni Ricardo Jimenez na naghatid sa kanya sa second base na sinundan naman ng single ni Marlon Caspillo at isa pang single ni Ferdinand Rector upang paiskorin sina Jimenez at Caspillo sa error at sa right field ni Recto na pumuntos sa pass ball.

Muli pang umiskor ang koponan ng dalawa pang runs sa ikaapat na inning, bago sinundan ng tatlo pang runs sa ikalimang inning na siyang tumapos sa paghahabol ng Hong Kong nine.

ANDOY VELASQUEZ

CRIS JIMENEZ

EMPACIS

FERDINAND RECTOR

HONG KONG

JIMENEZ

MARLON CASPILLO

REUBEN ANGELES

RICARDO JIMENEZ

ZHUJIANG CUP INTERNATIONAL INVITATIONAL BASEBALL TOURNAMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with