^

PSN Palaro

Tierro, De Dios, kampeon sa kani-kanilang division

-
Naglabas ng impresibong performance sina Olongapo City bets Patrick John Tierro at Nico Riego de Dios upang pagwagian ang kani-kanilang divisions kahapon sa season-ending ng Milo Junior Tennis Cup sa Rizal Memorial Tennis Center.

Naisubi ng 17-gulang na si Tierro ang kanyang kauna-unahang boys’ 21-under title makaraang iposte ang 6-4, 6-2 panalo kontra San Sebastian’s Niño Salvador.

Nauna rito, tinalo muna ni Tierro ang Cebuano na si Janjie Soquino, 6-3, 6-2 upang masungkit ang kanyang ikatlong 18-under title matapos ang PCA Open Juniors at ang Copa de Manila nitong kaagahan ng taon.

Humatak naman si Riego de Dios, unseeded sa boys’ 16-under division ng 6-0, 6-1 upset na panalo kontra sa top seed na si San Beda player na si Nestor Celestino Jr., upang mapasakamy ang kanyang ikatlong korona.

Sa boys’ 14-under class, umahon ang top seed na si Russell Arcilla Jr., ng Letran at nakakabatang kapatid ng RP Davis Cupper na si Johnny mula sa unang pagkatalo sa unang set upang mapawagian ang kanyang korona kontra sa third seed na si James Murrell, 2-6, 6-1, 6-2.

Tinanghal namang kampeon si James Canete sa boys’ 12-under.

Sa girl’s division, nakaligtas si Tracy Bautista ng Cavite kay Michelle Panis ng Bohol, 2-6, 7-5, 6-2 upang akuin ang 18-under title.

Napagwagian naman ni Jessica Agra ang titulo sa 14-under nang magwagi ito kay Nikki Manalo, 7-5, 6-2.

Nakabawi naman ang 6th grader na si Manalo nang sorpresahin nito ang top seed na si Sarah Jane Lim, 6-3, 6-0 para sa kanyang ikapitong titulo.

DAVIS CUPPER

DIOS

JAMES CANETE

JAMES MURRELL

JANJIE SOQUINO

JESSICA AGRA

MICHELLE PANIS

MILO JUNIOR TENNIS CUP

NESTOR CELESTINO JR.

NICO RIEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with