^

PSN Palaro

Pulis, militar ikakalat sa Palaro

-
Nangako ang police at military officers kahapon na magpapakalat sila ng mga tauhan bilang paghahanda sa nalalapit na Palarong Pambansa sa Tubod, Lanao del Norte sa susunod na taon.

Ayon kina police provincial director, senior superitendent Laut Sarit at Col. Alex Capiña, commanding officer ng 30th infantry battalion, sisiguruhin ng mga police at military ang kaligtasan ng mahigit sa P5,000 atleta at opisyales.

Ito ang ipinangako ng mga naturang opisyales nang makipagkita kay Lanao del Norte Vice Gov. Timoteo Dacalos sa isinagawang regular peace and order committee meeting na ginanap sa Tubod, ang ba-gong venue ng Palaro na Mindanao Civic Center na ginastusan ng P500 milyon.

"The meeting went on smoothly and they assured us that they will take charge of the security not only during the Palaro next year but also during the months leading to it," pahayag ni provincial information officer Richelieu V. Umel.

Kabilang din sa dumalo sa pulong sina Maj. Rodante Larios, commanding officer ng 26th infantry battalion at Sangguniang Panlalawigan member Malo Mutya kasama ang ilang military officers at DILG officials.

Sinabi ni Umel na nangako ang mga opisyales ng militar na magpapakalat sila ng mga tauhan ng hindi bababa sa tatlong battalions habang ginaganap ang Palaro sa Marso hindi lang sa MCC kundi maging sa mga elementary schools kung saan ang mga mag-aaral na atleta ay doon ititira.

Ito ang unang pagkakataon na magiging punong abala ang Lanao del Norte sa Palaro.

ALEX CAPI

LANAO

LAUT SARIT

MALO MUTYA

MINDANAO CIVIC CENTER

NORTE

NORTE VICE GOV

PALARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with