^

PSN Palaro

Malaking improvement kay Duat

FREE THROWS - AC Zaldivar -
MAY mga manlalarong sumasama ang loob sa kanilang koponan kapag ipinamimigay sila sa ibang ballclubs. Kasi nga, dati-rati’y mayroong kaisipan ang mga tao na kapag ipinamigay ang isang player ay dahil sa kaunti o walang pakinabang ito sa kanyang koponan. Kumbaga, naghahanap ang kanyang koponan ng mas mahusay kaysa sa kanya.

Pero hindi naman ganoon iyon, eh.

Kasi nga, may mga manlalarong saktong-sakto sa isang team pero hindi pasok sa sistema ng iba. Hindi naman palaging hinahangad ng coach na makakuha ng mahusay na player. Ang hangad ng coach ay makakuha ng isang manlalarong papasok nang husto sa kanyang sistema.

SI Rob Duat ng Alaska Aces ay isang halimbawa ng isang manlalarong napaganda ang kinalalagyan bunga ng isang trade!

Hindi nga ba’t bago nagsimula ang PBA Commissioners Cup ay kinuha ng Aces si Duat buhat sa San Miguel Beer kapalit ng mas matangkad na si Bryan Gahol. Kasabay ng trade na iyon ay kinuha din ng Aces si Edward Joseph Feihl buhat sa Barangay Ginebra kapalit naman ni James Walkvist.

Ani Alaska Aces coach Tim Cone, kung nakuha niya nang mas maaga si Duat, baka nagkampeon sila sa Governors Cup kung saan sumegunda lang sila sa Purefodos Tender Juicy Hotdogs matapos ang matinding seven-game series.

Kasi nga, bilib si Cone sa work ethics ni Duat at sa intensity ng manlalarong ito. Katunayan, matapos ang isang come-from-behind na panalo kontra FedEx sa kasalukuyang All-Filipino Cup kung saan si Duat ang siyang bumira ng game-winning three-point shot, sinabi ni Cone na ibang klase talaga ang kanyang bagong manlalaro.

"He’s so unpredictable. On one end, he’ll throw the ball away but before I can shout at him, he’ll scramper back and complete a steal," ani Cone.

Kumbaga, madaling bumawi si Duat. Hindi na niya pinag-iisipan o dinibdib pa ang mga errors na nagagawa niya. Sa kanyang kaisipan ay nagawa na niya iyon at walang segundong dapat sayangin sa pagsisisi. Kailangang makabawi na lamang kaagad.

Wala ring takot si Duat na tumira kung bukas siya. Hindi na niya ito pinag-iisipan pa. Tulad na lamang ng nangyari sa Game Two ng Finals kontra Coca-Cola. Lamang ng tatlong puntos ang Tigers at nasa Alaska Aces ang bola. Nagmintis sa isang three-pointer si Duat subalit tumalbog sa kanyang direksiyon ang bola. Tumira ulit siya ng three-point shot at nagmintis.

Ganoon talaga ang basketball, eh. Kailangang matibay ang dibdib ng isang player at handa siyang maging take-charge guy.

Kaya naman okay lang kay Cone na natalo ang Aces sa larong iyon. Lumaban naman sila hanggang dulo.

Puwes, masasabing maganda ang pagkakalipat ni Duat sa Alaska Aces dahil sa nabibigyan siya ng break sa koponang ito. Di hamak na mas mahaba ang kanyang playing time at mas mahalaga ang kanyang role ngayon kaysa noong nasa San Miguel Beer siya.

Kaya naman hindi na nakakagulat pa nang siya’y parangalan bilang Most Improved Player ng 2002 season sa awarding ceremonies na ginanap kahapon. At bukod pa roon ay nakabilang pa siya sa All-Defensive Team.

Sa susunod na taon ay tuluyan na sigurong mamayagpag si Duat!
* * *
NGAYON pa lang ay binabati ko na ang lahat ng mambabasa ng pahayagang ito ng isang "Maligayang Pasko" at "Manigong Bagong Taon."

ACES

ALASKA ACES

ALL-DEFENSIVE TEAM

ALL-FILIPINO CUP

DUAT

ISANG

KANYANG

KASI

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with