Gonzales namuno sa individual competition
December 21, 2002 | 12:00am
Matapos ang team event, lumipat naman ang aksiyon sa individual competiton sa LG Cup Table Tennis Open noong Huwebes kung saan naging madali ang pag-usad ng mga paborito sa round-of-32 ng mens at womens singles events sa Rizal Coliseum.
Pinabagsak ni Richard Gonzales, ang isa sa best blocker ng bansa, ng sunud-sunod ang kanyang tatlong kalaban sa elimination round ng event na ito na inorganisa ng Table Tennis Association Hindi nakayanan nina Marco Magpantay, Alex Marfori at Noriel Armenta ang 32-gulang na si Gonzales, nang hindi man lamang maka-iskor ang mga ito ng isang set laban sa 1999 Brunei Southeast Asian Games bronze medalist.
Naipanalo ni Gonzales ang lahat ng kanyang laban sa mens team competition ngunit tumapos lamang ang kanyang YMCA team bilang runner-up matapos mabigo ang kanyang mga kasamahan laban sa nagkampeong Philipppine Air Force.
Pinangunahan din nina Joseph Cruz, naging bayani ng Air Force sa mens team competition, at dating national mainstay na si Rebo Cruz ang kani-kanilang grupo upang umusad sa susunod na round.
Nagpasiklab din sina national players Crisanta Abas, Susan Tayag at Sendrna Balatbat sa womens singles competition.
Ang magkakampeon sa mens at womens division ay mananalo ng P20,000, P10,000 sa second placer at P5,000 sa third.
Ang iba pang events ay mens at womens doubles na may kabuuang P24,000 para sa top three winners, mixed doubles (P12,000) at boys at girls singles (P48,000).
Ang awarding ceremonies ay gaganapin ngayon pagkatapos ng lahat ng events.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended