^

PSN Palaro

Babalik ang Shell sa 2003 Season

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ang tatlong posibleng top draft pick para sa 2003 PBA season ay sina Rommel Adducul, Mike Cortez at Enrico Villanueva.

Ang tatlong teams na mauunang kukuha ay ang Alaska, Ginebra San Miguel at Shell.

Maaaring mapunta sa Alaska si Adducul at sa Ginebra si Mike Cortez. Kailangan-kailangan ng Shell ng malaking player kaya puwedeng-puwede sa kanila si Villanueva.

Pero ang joke sa PBA circle ngayon eh baka hindi rin kunin ng Shell si Villanueva. Ang team manager at representative sa board of governors ng Shell na si Bobby Kanapi ay isang true-blooded La Salista. Si Enrico ay isang Atenista.

Pero para kay Bobby Kanapi, walang problema kung Atenista ka man o La Salle player. Ang sa kanya, kapag kailangan ng team, kukunin niya para sa lalong ikalalakas ng Shell Team.
* * *
Nakausap namin si Mr. Kanapi kamakailan lang at sinabi niyang tuloy pa rin sa kanila ang mga rookies nila na tulad nina Rainier Sison at Christian Calaguio.

Si Perry Ronquillo pa rin ang mananatiling coach nila.

"Perry is a very good coach. Talaga lang kinulang kami sa tao kaya medyo nahirapan kami this 2002 season. But we shall be working out on that for our 2003 team. Kaya nga sa ngayon, pinag-aaralan namin kung sinu-sino ang mga players na babagay sa team namin next year. We have players with expiring contracts but we have not decided on what we will do with them," sabi ni Kanapi.

May mga darating daw na Fil-Ams para sa drafting kaya titingnan na rin nila ang credentials ng mga ito bago mag-drafting.

Naniniwala si Kanapi na next year ay magiging malakas na ang team at makakabawi rin sila.
* * *
Champion ang Uratex sa MBL. Nanalo sila nung Miyerkules sa Lyceum gym at siyempre pa, tuwang-tuwa naman ang lahat na nasa koponan nina team owner Big Boy Cheng, coach Jimmy Mariano at team manager Raymond Soto.

"Ang ganda talaga nung laro at mabuti na lang at nakatagal kami sa pressure nung laro," sabi ni Erwin Sta. Maria na isa sa maganda ang ipinakita nung Championship. Kabilang sa mga nagdeliver ng husto sa finals ay sina Leo Vilar, Robin Mendoza, at Ogie Gumatay.

Kasama rin sa team sina MC Dytandiu, Mike Cruz, Oca Montemayor, Lot Soriano, Jamil Schular, Anthony Longalong, Jojo de Guzman, Edwin Pimentel at Jek Teodoro.

Our Congratulations to the Uratex team.
* * *
Congratulations din sa aming kaibigan na si Jerome Reyes na ikinasal naman nung Miyerkules ng umaga. Si Jerome ay dating player ng Welcoat Paints sa PBL.

Ikinasal si Jerome kay Joy Castro sa Sta. Rita de Cascia Parish Church sa may PhilAm Life Homes sa QC at kabilang sa mga tumayong ninong at ninang sina Coun. Benjamin Natividad, Rafael Gumatay Jr., coach Horacio Lim, Cynthia Gallego, Nayda Cerilles at ang inyong lingkod.

Ang reception naman ay sumunod sa Jade Valley kung saan dumagsa ang napakaraming bisita.

Hindi naman matawaran ang kasiyahan nina Mr. Jaime at Mrs. Melita Reyes na siyang mga magulang ni Jerome dahil lumagay na rin sa tahimik ang kanilang anak. Best wishes at congratulations,Jerome and Joy.

ANTHONY LONGALONG

ATENISTA

BENJAMIN NATIVIDAD

BIG BOY CHENG

BOBBY KANAPI

CASCIA PARISH CHURCH

CHRISTIAN CALAGUIO

MIKE CORTEZ

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with