^

PSN Palaro

"Alay sa Gintong Medalya: The Thanksgiving concert" hahataw bukas

-
Magniningning ang Phil-Sports Arena sa ilaw bukas ng gabi para sa pinakamalaking libreng concert sa taong ito ang "Alay Sa Gintong Medalya: That Thanksgiving Concert" kung saan paparangalan ang mga top performers ng bansa sa Busan Asian Games sa pangunguna ni concert queen Pops Fernandez.

Sina Mikee Cojuangco-Jaworski at kapwa Busan gold medalists Django Bustamante, Antonio Lining, Paeng Nepomuceno at RJ Bautista ang pangunahing papasalamatan sa concert na co-presented ng Philippine Sports Commission at Samsung Electronics Phils. Corp.

Magpe-perform din sina Ogie Alcasid, Geneva Cruz, South Border at John Lapus sa alas-8 ng gabing concert na siyang highlight sa isang araw na Christmas Party para sa national athletes, coaches, officials at staff.

Kasama sa selebrasyon na ayon kay PSC Chairman Eric Buhain ay pagdiriwang para sa produktibong taon ng Philippine Sports, sina Jay Cayuca at LOC Band at ang Casino Filipino Parañaque Voice Symphony.

Magpapakita rin ng exhibition-demonstration number ang karatekas, taekwondo jins at judo national athletes ng bansa kasama rin ang Samsung Cheerleaders Team na pumukaw ng atensiyon sa Busan.

Tampok sa naturang concert ang pagbibigay ng mahigit P4milyong bonuses sa mga nanalo ng tatlong golds, 7-silvers at 16-bronzes ni Samsung president Sang Youl Eom.

Ayon kay project coordinator Arsenic Lacson, kaunting tickets na lamang ang natitira na maaaring makuha sa PSC administration building sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Pablo Ocampo Sr. St. (dating Vito Cruz), Malate, Manila o tumawag sa tel. no. 526-7221.

ALAY SA GINTONG MEDALYA

ANTONIO LINING

ARSENIC LACSON

BUSAN

BUSAN ASIAN GAMES

CASINO FILIPINO PARA

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

CHRISTMAS PARTY

DJANGO BUSTAMANTE

GENEVA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with