^

PSN Palaro

Welcome Noli, Thank you Jun B.

- Nap Gutierrez -
Si Noli Eala ang bagong PBA commissioner.

All long, alam naming siya ang mapipili para sa puwestong ito. Kahit na noong nagkaroon ng intriga sa kanya, alam naming bale wala yun para sa mga PBA Board of Governors.

Very crucial ang pagkakahirang kay Noli bilang bagong commissioner dahil more than ever in its many years of existence, ngayon kailangan ng PBA ng matinding pagbabago.

Sobra ang pagbulusok pababa ng ratings ng PBA coverage at pati ang live crowd attendance ay hirap na hirap except sa ilang laro na talagang sinundan ng mga basketball fans.

We are happy for Noli and we hope na mabibigyan niya ng bagong buhay at pag-asa ang PBA.

Congratulations, Noli Eala!
* * *
At hindi naman natin matatawaran ang serbisyo na ibinigay ni outgoing Comm. Jun Bernardino sa maraming taon na kanyang paninilbihan bilang top man ng PBA.

Through it all, through good time and bad times including the worst crisis, nagawa ni Comm. Jun na maka-survive ang PBA.

Maraming dinaanang intriga at kontrobersiya ang PBA tungkol sa sari-saring issues, pero sa paglipas ng panahon, nalusutan itong lahat ni Comm. Jun B.

Pero tulad ng lagi nilang sinasabi, all good things must end. At ngayong tapos na ang termino ni Comm. Jun B, he can only wish for the best para sa kanyang successor.
* * *
Tatahi-tahimik itong si Kenneth Duremdes pero alam n’yo bang malapit nang matapos ang kanyang dream house d’yan sa QC.

Nagpapatayo na ng sarili niyang bahay itong si Kenneth para sa sarili niyang pamilya at early next year, matatapos na ito.

Halos 900 square meters yung bahay. Si Kenneth at ang asawa niyang si Teresa ang nag-aasikaso sa lahat.

Masuwerte itong si Kenneth dahil bukod sa maganda ang kanyang basketball career ay maganda rin ang kanyang personal na buhay. Palibhasa’y isang mabuting asawa at ama itong si Kenneth kaya naman maganda rin ang takbo ng kanyang pamilya.
* * *
Birthday kahapon ni coach Nat Canson at dahil time-out muna sila sa mga laro nila sa Indonesia, nasa Amerika si Nat at nagliliwaliw kasama ang kanyang asawa na si Tess.

Tiyak na bongga ang selebrasyon ni Nat doon dahil nandoon ang mga kamag-anak niya. Happy birthday, coach Nat!
* * *
Patungo naman ng Baguio ngayong araw na ito ang buong tropa ng PBL para sa mga laro nila bukas.

Maganda rin ‘yang ginagawa ng PBL na nag-ikot sila sa iba’t ibang lugar para lalong mapalapit sa masa ang ligang ito.

Tiyak na blockbuster na naman ito sa Baguio bukas.

vuukle comment

BOARD OF GOVERNORS

CENTER

JUN B

JUN BERNARDINO

KANYANG

KENNETH

KENNETH DUREMDES

PBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with