Bowling National head coach may ibubuga pa sa laro
December 10, 2002 | 12:00am
Pinatunayan ni Purvis Granger, head coach ng RP bowling team, na may ibubuga pa ito bilang competitor nang pangunahan nito ang top 16 bowlers sa rehiyon na maglalaro sa Road To Singapore Grand Slam Finals ng Aviva Asian Bowling Tour.
Binanderahan ni Granger, kasama ng RP Team sa Busan Asian Games, sa kanyang inaning 167.5 puntos habang ang dating world champion na si Ton Hahl ng Singapore ay pumangalawa sa kanyang 156 puntos.
Pumangatlo si Chester King ng Philippines matapos manalo sa huling leg ng Tour na ginanap sa Hongkongs Mei Foo Super Fun Bowl noong nakaraang buwan.
Kasama sa mens team si Paeng Nepomuceno na kasalukuyang nasa ikasiyam na puwesto.
Sa womens division, nakasama sina Irene Benitez at Liza del Rosario sa top 16 matapos pumuwesto sa ikaanim at ikapito para sa limang qualified player ng Philippines.
Ang Singapore ay may limang player din na nag-qualify habang ang Malaysia ang pinakamarami na may 10 player na pumasok.
Kasunod ng HongKong leg, ang top 16 bowlers sa Road to Singapore ranking ay makakalaro sa Grand Slam Finals sa Singapore sa January 2003 kung saan may dalawang wild cards ang ibibigay sa dalawang West Asian men bowlers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended