PBA Pro-Draft Camp sa Moro Lorenzo Gym

Magdaraos ang American coach na si John Moran ng Las Vegas ng PBA Pro-Draft Camp sa December 13-15 sa Moro Lorenzo gym ng Ateneo de Manila University sa Loyola Heights, Quezon City.

Ang nasabing camp ay bukas para sa lahat ng aspiranteng cagers na ibig sumali sa PBA draft.

"If you think you’ve got what it takes to be a draft pick, shooting dribbling, post-up, etc.-standup and be counted by a roster of professional coaches," pahayag ni Moran, overall head coach ng tatlong araw na camp.

Ang sinumang interesadong players ay maaaring tumawag sa Diva! Secretariat sa tel. nos. 8178384, 0919-4104402 at 0917-9491835 para sa iba pang impormasyon at detalye.

Simula noong 1999, isinasagawa na ni Moran ang Las Vegas Hoops na mayroong specially design classes, individual workouts at training sessions para sa lahat ng koponan at players.

Nagsilbi rin si Moran bilang Las Vegas Slam assistant coach sa nakaraang ABA League.

Show comments