^

PSN Palaro

Mahalagang panalo aasintahin ng Blades

-
Mahalagang panalo ang aasintahin ng LBC-Batangas kontra sa Dazz Dishwashing Liguid sa kanilang nakatakdang engkuwentro upang mapatatag ang kanilang kapit sa pangunguna tungo sa second round ng elimination ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Maghaharap ang Blades at Greasebusters sa alas-3 ng hapon.

Sa kabilang dako naman, muling sisikapin ng Blu All-Purpose na makisosyo sa liderato sa kanilang pakikipaglaban sa Sunkist Pampanga sa alas-5 ng hapon.

Base sa tournament format, ang top four teams makaraan ang unang round ng elimination ang siyang ookupa ng upper bracket, habang ang limang koponan ay ilalagay sa lower bracket ng second elimination phase.

Ang bawat koponan ay makikipaglaban sa kani-kanilang grupo sa single round robin. Ang top three sa upper bracket ang awtomatikong magku-qualify para sa crossover semifinal, ngunit ang ika-apat na koponan ay kailangang harapin naman ang top team sa lower bracket para sa wildcard entry.

vuukle comment

BATANGAS

BLU ALL-PURPOSE

BRACKET

CHALLENGE CUP

DAZZ DISHWASHING LIGUID

GREASEBUSTERS

MAGHAHARAP

MAHALAGANG

MAKATI COLISEUM

SUNKIST PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with