^

PSN Palaro

Korona sa Milo Marathon idedepensa nina Ballester at Martes

-
Pangungunahan nina defending champion Allan Ballester at Christabel Martes ang 250 man field ng national finals ng 26th National Milo Marathon finals na nakatakda sa Linggo, Dec. 8 na magsisimula at magwawakas sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Tangka ni Ballester, national team marathoner mula sa Sorsogon ang kanyang ikatlong sunod na Milo Marathon finals crown, habang sisipatin naman ng tubong Benguet na si Martes ang kanyang ikalawang korona.

Ang dalawa ay mapapasabak sa mga mahuhusay ding marathoners na magmumula sa buong panig ng bansa kung saan ang defending champions ay awtomatiko ng seeded sa finals.

Umabot sa kabuuang 11 regional races, kabilang ang full marathon elimination race sa Manila ang ginanap sa lahat ng rehiyon ng bansa na ang top three male at female runners mula sa bawat out of town na 20K qualifying race ay sasabak na sa 42K finals.

Kabilang sa inaasahang magbibigay ng matinding laban kina Ballester at Martes ay sina regional champions Mario Dabon at Monaliza Ambasa mula sa Davao, ang tambalang Ronelo Sandino at Liza Relox ng Cagayan de Oro at Kidapawan’s Roger Sawinay at Jhoan Banayag na pawang taga Mindanao region.

Ang hamon naman mula sa Visayas ay pangungunahan nina Roxas City champions Adnois Lobaton at Elma Vega, habang mula sa Tacloban, ay ang local champions na sina Rogelio Reli at Jessica Codeilla at ang huling regional race sa Cebut City na tatampukan nina Joseph Panales at Christy Sevillano na nanalo sa 20K race.

ADNOIS LOBATON

ALLAN BALLESTER

BALLESTER

CEBUT CITY

CHRISTABEL MARTES

CHRISTY SEVILLANO

ELMA VEGA

JESSICA CODEILLA

JHOAN BANAYAG

JOSEPH PANALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with