Senado nanawagan sa mga pekeng Fil-foreign players
December 3, 2002 | 12:00am
Nanawagan ang senado sa mga pinaghihinalaang mga Fil-foreign players ng Philippine Basketball Association (PBA) na peke ang pagiging Filipino na umamin na lamang ang mga ito sa kanilang tunay na pagkatao.
Sinabi nina Senators Robert Barbers at Robert Jaworski, huwag nang hintayin ng mga dayuhang manlalarong ito sa PBA na matuklasan sa isasagawang imbestigasyon ng senate committee on games, amusements and sports na peke ang kanilang isinumiteng dokumento para patunayan na sila ay mayroong dugong Pinoy.
Ayon kay Barbers, chairman ng nasabing komite, upang hindi na umabot sa kahihiyan ang mga Fil-foreign players na ito na bumili lamang pala ng kanilang magiging magulang dito sa Pilipinas para patunayan na sila ay Pinoy ay mas makakabuting aminin na lamang nila na sila ay dayuhan.
Ayon pa kay Barbers, sa ganitong pamamaraan ay hindi na sila makakasuhan ng falsification of public documents at makukulong bago sila itapon palabas ng bansa at mapapatunayan pa nila sa kanilang mga fans na sila ay tunay na lalaki na umaamin sa kanilang pagkakamali.
Ipagpapatuloy ng komite ni Sen. Barbers ang imbestigasyon hinggil sa 25 Fil-foreign players na kuwestiyonable ang pagiging Pinoy na kinabibilangan nina Paul Asi Taulava ng Talk N Text at Dorian Peña ng SMBeer. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended