^

PSN Palaro

3 gold medal nakataya ngayon

-
Tatlong gintong medalya ang nakatakdang pag-agawan ngayon sa athletics event sa pagsisimula ng kompetisyon ng 4th edisyon ng Batang Pinoy-Philippine National Youth Games sa Puerto Princesa Sports Complex.

Inaasahang magtatagisan ng lakas ang mga batang atleta para makopo ang mga nakatayang ginto sa girls’ long jump, baseball throw at boys shot put events kung saan sisimulan na rin ang elimination games para sa baseball, lawn tennis, wrestling, arnis, weightlifting, volleyball, softball, football, chess, judo, karatedo, golf, boxing at badminton.

Taliwas sa mga nakaraang sistema sa pagpili ng team champion at Most Valuable Athlete, ang pagpili ngayong edisyon ay ibabase sa point system at hindi na sa makukubrang medalya.

Ang tatapos ng unang puwesto ay pagkakalooban ng pitong puntos at karagdagang 10 puntos para sa sinumang makakabura ng PNYG record at 5 puntos naman sa makakatabla lang.

Ang second placer ay bibigyan ng limang puntos, apat sa third placer, tatlo sa fourth placer, dalawa naman sa fifth placer at isa sa sixth placer.

vuukle comment

BATANG PINOY-PHILIPPINE NATIONAL YOUTH GAMES

INAASAHANG

MOST VALUABLE ATHLETE

PARA

PLACER

PUERTO PRINCESA SPORTS COMPLEX

PUNTOS

TALIWAS

TATLONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with