Ito ang ikatlong panalo ng John-O na nagpaganda ng kanilang karta sa 3-4, habang nalasap naman ng Shark ang kanilang ikaanim na sunod na pagkatalo matapos ang unang panalo sa pitong laro.
Kontrolado ng John-O ang tempo sa kalagitnaan ng final period ng umabante ito sa 71-65 mula sa jumper ni Jeff Napa may 3:44 ang nalalabi sa laro.
Sumagot ang Cheese Balls nang magpasiklab sa free throw line matapos na isalpak ang 10-of-12 kabilang ang limang sunod na bonus shot ni Irvin Sotto at dalawa kay Ismael Junio na nagdala sa Cheese Balls sa 75-72 kalamangan, 1:11 na lamang sa oras.
Ngunit sumagot si Macapagal at kanyang pinatalsik si Warren Yba-ñez bunga ng ikalimang foul na nagbigay daan sa una na umapak sa free throw line at kampanteng ipinasok ang dalawang bonus shot upang muling ilayo ang John-O sa 75-74, 54 segundo na lamang sa tikada. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)