Election pa lang di na makabuo

May naka-schedule sanang election para sa PBA players’ Union nung Lunes.

Dapat sana ay magpapadala ng dalawang representative ang bawat teams at mula sa listahang ito ay boboto sila ng kanilang Presidente at iba pang officers.

Hindi natuloy ang eleksiyon.

Bakit?

Walang quorum. Kulang sa attendance. Maraming di sumipot. Ang nandoon lang ay sina Jojo Lastimosa, Jerry Codiñera, Kenneth Duremdes at ilan pang players. Miscommunication daw ang nangyari sa dissemination ng information.

Ano ba yan?

Paano magtatagumpay ang union na yan eh eleksiyon pa lang eh, magulo na’t di mabuo ang lahat.
* * *
Dalawa ang players na sa tingin namin eh dapat mamuno ng PBA players’ Union.

Sila ang pursigido. Sila rin ang may talino at sinseridad para ayusin ang union na yan. May respeto rin sila ng maraming PBA players.

Naniniwala kaming kapag sila ang nahirang na manguna sa union na yan, magkakaroon ng resulta at aandar na rin ang organisasyon na yan.

Ang tinutukoy naming mga players na puwedeng manguna sa kanilang lahat ay sina Jojo Lastimosa at Jerry Codiñera.

Wish lang naming--sana’y sila ang manalong Presidente at Bise-Presidente ng Player’s Union.
* * *
Ang maganda niyan, may mga misis silang nakahandang makitulong at sumuporta sa kanila.

Si Butchick para kay Jolas at si Jean para kay Jerry.

Si Butchick ay college graduate, dating taga-Vintage at businesswoman na ngayon. Si Jean ay isang corporate planner sa maraming malalaking kumpanya.

Kahit paano, naniniwala kaming matutulungan nila ang kani-kanilang mga asawa sa aspetong ito.

Sana naman ay magising na ang mga PBA players at tuluyan nang makipagtulungan para sa lalong pagpapalawig at pagpapaunlad ng PBA players Union.

Sabi nga ni Jolas, marami silang dapat malaman, marami silang dapat pakialaman at marami silang aasikasuhin kapag naayos na ang lahat ng players’ union.

Kaya sana, mabuo na muli ang PBA Players’ Union!

Show comments