Sa nakalipas na tatlong pre-qualifying races, si Reynante ang siyang maituturing na pinakamabilis sa kanyang isinumiteng 53 minutos, 58.41 segundo sa 40-kilometrong distansiya sa Pililla at maging si Espiritu na siyang no. 1 siklista ng bansa ay hindi nito nagawang higitan ang tiyempo ng kanyang teammate kung saan siya ay pumangalawa lamang sa kanyang oras na 54:52.83.
Sina Reynante at Espiritu kasama ang iba pang siklista ay muling magtatagisan ng lakas sa 192.5-km massed start na karera sa Antipolo-Baras (via Real, Quezon) sa Dec. 7.
Ang iba pang nationals na nagpakita ng impresibong pag- padyak at nakapasok sa top 120 na maglalaban para sa 84 slots ng 12 teams na siyang bubuo sa lineup ng Tour ng Pilipinas 2003 Air21 sa susunod na summer ay sina Arnel Quirimit (55:19.74), Villamor Baluyot (56:26.88), Enrique Domingo (56:35.82) at Centennial Tour titlist Warren Davadilla (56:36.51) na nasa top 10 kasama si Lito Atillano (56:52.21) na nakipagtagisan ng lakas sa 40-km Argao via Sibonga race.
Tumapos naman sina CALABARZON 2002 champion Santy Barnachea, Paterno Curtan, Alfie Catalan, Paulo Manapol at Nilo Estayo sa ikaapat na hanay ng pre-qualifying na ito.