^

PSN Palaro

Paragua lumapit sa medalya

-
Lumapit ang kampanya ni GM candidate Mark Callano Paragua (ELO 2476) para sa medal finish makaraang magposte ng apat na panalo at isang draw sa 10th at penultimate round ng World Youth Chess Championships sa Hersonissos, Crete, Greece.

Umiskor ng isang upset na panalo si Paragua kontra sa Indian GM na si Pentala Harikrishna.

Gumamit ng ibang estilo si Paragua, na mula sa kanyang madalas na gamiting King’s Indian ay pinasiklaban ng Pinoy si Harikrishna nang gamitin nito ang Pelican-Svesnicov Variation na siyang paborito ng Indian GM at nasorpresa ito sa Nd5 sa 8th move. At sa kalagitnaan ng laro, nakipagpalitan ang Indian chessers ng Queen sa Rook at Bishop na siyang naglapit sa kanya para sa pagre-resign at bantang mating ni Paragua.

Ang tagumpay ni Paragua ay hindi lang importante kundi naipag-higanti pa niya ang natamong 3-1 kabiguan sa Indian National team sa katatapos na 35th World Chess Olympiad sa Bled, Slovenia.

Ang iba pang Filipino na nanalo ay sina Loren Brigham Laceste kontra Stefan Mazur ng Slova-kia; Aices Salvador kontra kay Aarina Asami ng Amerika at Vic Neil Vil-lanueva laban naman kay Jhoel Gracia (2126) ng Uruguay. Sina Laceste at Villanueva ay kapwa na-kalikom na ng 5.5 puntos, habang 5 puntos naman si Salvador.

Nakipaghatian naman ng puntos si Nelson Mariano III kontra kay Ivan Saric (2010) ng Croatia upang makaipon ng 5.5 puntos.

Nabigo si Roderic Nava kay Indian Probesh Anand, gayundin si Cheradee Chardine Camacho kay Leva Zalimaite ng Lithuania sa girls division.

AARINA ASAMI

AICES SALVADOR

CHERADEE CHARDINE CAMACHO

INDIAN NATIONAL

INDIAN PROBESH ANAND

IVAN SARIC

JHOEL GRACIA

LEVA ZALIMAITE

LOREN BRIGHAM LACESTE

PARAGUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with